Tag Archives: relationship

babaeng gipit

13 Dec

ilang beses akong nasabihan na “galit” ako

ilang beses nilang pinaramdam na ang opinyon ko’y di na kailangang pakinggan

ilang beses nang ang pananamit, estilo ng buhok, maging ang bangs, pati ang hugis ko — hindi sila makontento

na para bang may say sila sa katawan at porma ko,

na para bang maharlika silang dapat sundin,

na para bang sinakop nila ako, alipin at sila ang amo ko

ilan sa kanila, mga taong di ako kilala

ilan sa kanila, akala kilala ako

ilan sa kanila, mga taong mahal ko

alin ba sa mga sinasabi nila ang dapat sundin?

alin ang bibigyang pansin?

alin ang kaya kong indahin?

minsan, sa bigat ng kalooban ay bubuhos ang luha

minsan, sa sakit ng mga salitang nabasa, narinig ay mapapaluhod sa panghihina

minsan, napapakita ko to sa taong kung sinong malapit

madalas, pagkatapos ibuhos ang lungkot

gigisingin ka ng mundo,

kukuyugin ka ng mga responsibilidad mo

papaalalahanin ka na tumatakbo ang mundo,

hindi umiikot sayo,

tumahan ka na sa pag-iyak

punasan ang mukha,

huminga ka,

harapin muli ang ginagawa

kasabay niyan ang pakiramdam na parang hinubaran sa taong napagbuhusan ng emosyon

kasabay nang takot na dulot ng pagpapasilip mo nang iyong pagkatao, ng kahinaan mo:

ang opinyon ng ibang tao

lalo na ng galing sa mga taong mahal mo

pagkatapos ay ang pagsuko.

pagsuko na iparating ang saloobin mo.

pagsuko na ipaliwanag na ang babae kapag natangay ng kanyang emosyon hindi galit kundi gipit

gipit sa oras na kayang ilaan ng mundo upang pakinggan ito

gipit sa pag-unawa dahil natatakot ang ibang mailugar sa tama

gipit sa pera dahil nalalamangan sila

gipit sa respeto dahil “inaangkin” sila

gipit sa kalayaan dahil makapangyarihan sila,

kapag pinalaya mo, bubuka ang pakpak at lilipad, aangat, mas malayo sa narating mo

pero hindi gaya ng mga taong nanglalamang, babalik ang babae sa lupa, magpapakumbaba

bubuhay ng bata, uunahin ang pamilya

Advertisements

Salamin

22 Nov

Inspired by Omar and Osly

Magkamukha, madalas sabihin ng iba.

Bakit hindi nila nakikita ang tunay na katauhan nating dalawa?

Oo pala. Magkamukha hindi lang sa mukha, pati sa damit, sa lahat ng gamit.

Oo nga pala. Pati sa kurso, sinundan kita.

Lumayo tayong dalawa sa mga mapanghusgang mga mata.

Lumipad tayo. Sinubok mangarap ngunit nadala.

Nagising akong gusto na ding lumayo sa yo.

Dahil sa mundong ating narating, nasundan tayo ng mga matang nagdidikta, nanlalamang, mapanghusga!

Kinulong muli tayo sa hawla, na ikaw ay ako at ako ay ikaw!

Ang pagkakaibang kanilang makita — pagkukulang ng isa.

“Tignan mo siya, naiiba.”

“Bakit hindi ka tumulas sa kanya, nangunguna?”

Sa puntong ito, ginusto kong basagin ang salamin at hindi pumares sa iyong mga adhikain.

Ginusto kong kumawala at ganun ka din.

Nagwagi sila, pinaramdam nila na tayo’y magkalaban.

Sa aking pag-iisa, niyakap ko ang kawalan, ang espasyo na dati mong kinalagyan.

Nahanap ko ang sarili kong pagkakakilanlan.

Tama nga pala ako.

Tama ang naiisip ko noon na pilit kong binabaon.

Magkaiba nga tayo, tol.

Masaya ako sa katahimikan, mas kampante kasama ang mga kaibigan.

Pinipili ko ang aking susuyuin, mas gusto mo namang jowain saka kilatisin.

Marami pa, bro.

Pero ito ang sigurado — marami pa tayong madidiskubre sa ating mga sarili.

At ito pa ang tumino sa eksperimentong ito —

namiss kita, Tol!

Hindi ikaw ang kalaban.

Walang kailangang patunayan sa mga taong hindi kailanman matatahimik sa katotohanan.

Mahal kita, Tol!

— Ang Proud Mong Kambal

Someday

20 Nov

It hurts my heart. Knowing I may never make my mother understand why I am who I am.

I am who I am because of their decisions, of my upbringing and of them not witnessing my growing years.

I have been sharing my pain, begging her to understand why I am what I am.

That this is the product of my circumstances when let me be on my own.

I have spoken and written words, was brought to tears, dried my throat, hanged a call, thrown tantrums I am not proud of and I don’t know anymore.

I feel like a restless tiger inside a cage who just wants to be embraced.

But I think I have to stop fighting this.

And live NOW. I know somehow that if I keep at this I could loose myself entirely.

I must let go and not let this define me. I knew of that. But it is so hard to accept defeat when I know they are the core of my being.

When I know that I haven’t felt known to them.

I want to believe I am reaching the end of this desperation of being accepted and understood. My heart is tired. My mind is loosing focus. I must not. I must stop. I must GROW. I have to let go of the child who was left behind. The child whose innocence was snatched because no one was looking.

They say they sacrificed a lot for me.

And all I’m saying is I did too and I hurt.

I pray I won’t have to tell some hard truths Because I don’t think she will handle it well.

I don’t have to hurt, right?

For now, I’ll keep my secret and pretend to be what they want.

I’ll find my way. Someday.

LDR

12 Feb

Bakit ganito kasakit

Ang kapalit ng iyong pag- alis?

Maraming taon

Ngunit konting pagkakataon

Sabagay ganun din noong ako’y

Sampung taon

Maraming nakapaligid

Pero nabibilang ang bigkas ng bibig

Nagpalipat-lipat ng lugar

Hanggang wala ng makilala maliban sa isa o dalawa.

Hindi ako nahilig makichika

O mangumusta sa iba

Yan na ako, simula pa

Wala pa noon ang sakit

Noon, isa lamang akong paslit

Isang dakilang manonood

Ng mga tao sa aking paligid

Bakit ganito kasakit

Ang kapalit ng iyong pag- alis?

Wag mo akong tanungin

Bakit wala akong oras sa iyong daing

Wag mo akong sisihin

Kung hindi ako malambing

Ang TV ang aking gabay

Lumaki akong wala namang nanlalambing

Pinalaki akong matatakutin

Ang sabi nga ng iba’y manang na din

Kaya patawad kong hindi ako

Ang ideal mong maging

Pero kung laging mali ko ang ipaparating

At ang daing di iindahin

Saan na tayo papadparin?

Kung parehas tayong ang hiling

Ang isa sa atin ay dinggin

At wala sa atin handang makinig

O Bakit ganito kasakit,

Ang kapalit ng iyong pag- alis?

T-A-N-G-A

3 Aug

Todo akong magmahal

iAalay buo kong dangal

iiNdahin lahat ng bawal

daiG ko pa nga ang iyong mahal

na sA dulo ika’y tinalikuran
Tandaan mo ito

mAmahalin kita hanggang dulo

maNalig ka sa aking puso

hanGgang sa itakwil mo

tangA na kung tanga 
MagpapakaTANGA para lang  sayo

Red and Bleak

4 Jun

It happened so #fast

It was a #blur

All was #bleak

But you, the lone #color
You see, I ignored the signs

And man, you made me blind

You took away my heart

I was empty and free
Now i see, 

you stole the fire in me

Alas! I was that color

(You traitor!)

🤦🏻‍♀️

But I won’t give chase

Please, go on keep my color

I hope you blend with it
My fire, although defused

Will be lit, don’t be confused

‘Cause my heart, it multiplies
There will come a time

When this bleak world would be lit

parang ang sarap magmahal

28 Jan

parang ang sarap nang may minamahal

ang abangan ang kanyang pagdating

ang masabik sa kanyang mga halik

ang damhin ang kanyang paglambing

 

parang ang sarap nang may nagmamahal

may kasukob sa ulan

may kayakap hindi lang ang unan

may kasama sa patutunguhan

 

parang ang sarap magmahal

ang kiligin kahit hindi pansin

ang sabikin kahit sa iba nakatingin

ang magmahal kahit hindi ikaw ang ibigin

 

 

I’ll Say It, So Stop

24 Jan

“I love you”, such beautiful words
I once believe them to be gems

Spoken rarely but truthfully

Now they have become like a “hello”
A greeting, a passing thought,

A careless slip of the tongue

A habit to pacify all things petty
“I love you”, it has become words

Same as “I’m fine” to “how are you’s”

Where you utter them to indulge curious minds

But totally lie about the inside
I’ll say it. “I’m fine”, so  don’t ask anymore

I’ll say it.  “I love you”, so you won’t ask for more.

The Getting-to-know-each-other Stage

11 Dec

Gusto kitang makilala, ang sabi mo.

Tara, usap tayo, ang sabi ko.

“Kumusta ka na?”
“Ok lang…”

Ok nga lang kaya?

Nasilayan ko ang ngiti mo sa facebook
Sa tingin ko, wala ka namang pinagdadaanang pagsubok
Nag-umagahan ka na ba?
Siguro masiyahin kang talaga.

Nabasa ko ang update mo sa twitter,
Mukhang hindi ka naman bitter.
Lunch na, kain ka na.
Siguro nakamove on ka sa ex mo.

Nakita ko ang mga lugar na napuntahan mo sa instagram,
Marahil ikaw ay malaya ; walang agam -agam.
Gabi na, nakakain ka na ba?
Siguro, masaya kang kasama.

Paano Kung sabihin ko sayo na ako’y higit pa sa mga sinabi mo.
Na ako’y higit pa sa mga haka-haka mo.
Mga haka-hakang mula sa labas na anyo.
Anyong pinili ko, sinalat ko.
Pagkataong para lang sa mata ng mundo
Pero hindi ang “ako” sa mata ng iilang Tao
Mga taong Handa akong harapin, kausapin, intindihin, prangkahin.

Tara, usap tayo, ang sabi mo.
Gusto kitang makilala, ang nasa isip ko.

Malaman ang iyong mga hilig ,
Mga bagay na nagbibigay kilig,
Mga pangarap na gustong abutin,
Mga lugar na gustong explore-in

Ganyan sana tayo. Usapang matino.

Tara, magkita tayo. 

Mata sa mata. 

Hayaang mag-ugnayan ang ating mga puso.

Tara’t ating abangan saan ito patungo — pagkakaibigan o pag-iibigan.

Tara, halika, usap tayo.
12/11/16

Ngayon na nga ba ang SA WAKAS?

31 Aug

Ano ba itong pakiramdam na parang nakalutang sa alapaap at sa isipan, isang imahe ng kadenang napigtas?

Ano nga ba?

Ano ba itong parang pagluwag ng dibdib pagkatapos tumakbo ng tumakbo na parang may tinatakasan at sa isipan, mga katagang paulit-ulit: “Sa wakas…sa wakas”.

Nagsimula lahat ng niyan nang makita na kitang may kasama nang iba.

Pero nang balikan ko ang araw simula nang makita kita kasama niya at ng araw na huli tayong mag-usap pagkatapos ng mahabang katahimikan…

Kaibigan, nakawala ka na nga ba o kumapit lang sa iba?

Naghihintay na sana sa pagtagal, siya ang makapagpakawala sa’yo sa kadena

Dahil di ko naisip, pinakawalan nga kita sa hawla nating dalawa, pero ang kadenang nagdudugtong sa ating dalawa, kadenang iyong ginawa, hindi mo pa nasisira.

Ang malayang pakiramdam unti-unting bumaba mula sa alapaap. 
Ikaw nga ba’y masaya na o nagpapanggap? 

Kailan mo mahahagilap na hindi ako ang iyong pangarap?

At kailangan ko matatanggap, na hindi ikaw ang aking hanap?

Na ang kalungkutan ay hindi basehan para sa pag-iibigan?

Ang kalungkutan ko’y hindi ang iyong kawalan,

Kun’di ang kakayahan ng puso kong kumawala at maipagkatiwala sa iba ng lubusan. 

Pero ang kapal naman ng aking mukha para sa isiping di ka pa nakawala. Sana nga. Sana nga. 

Sa konting panahon, ako’y nakaramdam ng alapaap sa pag-aakalang ika’y nakatagpo na ng bagong pangarap, nang sa gayo’y ako nama’y mapanatag na ikaw at ako maaari nang bumalik sa pagkakaibigan nang walang masasaktan.

Ngayon na nga ba ang “Sa wakas.”? 

Muli, hihingi ng tawad nang walang wakas.