Tag Archives: pag-ibig

T-A-N-G-A

3 Aug

Todo akong magmahal

iAalay buo kong dangal

iiNdahin lahat ng bawal

daiG ko pa nga ang iyong mahal

na sA dulo ika’y tinalikuran
Tandaan mo ito

mAmahalin kita hanggang dulo

maNalig ka sa aking puso

hanGgang sa itakwil mo

tangA na kung tanga 
MagpapakaTANGA para lang  sayo

Advertisements

Kapag Nakialam ang Isip sa Puso

24 Aug

Tulirong damdaminHindi pwedeng kabigin

Nakakapagod isipin

Kailan ba pwedeng sabihin

Pero pag-ibig na nga ba

O feeling mo lang siya?

Pero diba’y pag-ibig ay damdamin?

Ano ba dapat ang iisipin?

Ano ang pagagalawin?

Ang pusong tila nagbubukas?

O ang isip na gustong umatras?

Nakakapraning kasi isipin

Kung ano dapat ang pairalin

Ang pusong sabik magmahal

O ang isipang ayaw magpasakal

Mahal mo na nga ba

O  nais mo lang ng kasama

Mahal mo na nga ba dahil sigaw ng puso

O mahal mo na kasi iyon ang gusto ng isipan mo?

Balang araw

25 Nov

Ikaw na nagmamahal sa gilid
Naghihintay na madinig
Umaasang balang araw ika’y di na dedmahin
Na isang araw ika’y sagutin na din

Ikaw na tahimik na umiibig
Pahanon na kayang ika’y tumagilid?
Paraanin ang iyong ibig
O piliing manatili pa din sa kanyang gilid?

Ikaw na walang patid sa pag-ibig
Darating din ang araw, ika’y mamahalin
Ng taong ika’y haharapin
Ng taong ika’y pipiliin

Patid. Patid.

13 Oct

Lumulusot-lusot lusot sa butas ng karayom.
-yom, yung tipong sa sikip-sikip parang magigiit-giit .
Liit at sikip-sikip ng daang di matuwid-tuwid.
Parang pawid sa bukid, di makatawid-tawid.
Tawid na sana para makapagpahatid – hatid ng pag-ibig na walang-patid.