Tag Archives: grandmother

KUTO KATUMBAS AY PISO

29 May

Classic kwento ni Lola. Isang araw daw dahil sa kati ng ulo, nag-utos siya ng dalawang bata na kutu-an siya. Ang makakakuha ng kuto, may piso. Hala sige, hanap. Pero wala, hanggang sa nakatulog na si Lola. Maya-maya, yung isang bata alisto na sa pag-abot ng kuto. Meron nga, may nakuha! Ngayon, sinita ni Lola yung isang wala pang naiaabot. “Tignan mo maigi, imposibleng wala, ano ung binigay, iisa lang?” Tahimik lang bata, sa huli sumuko na yung dalawa at umuwi na at naglaro na sila.

Kinahapunan, nag-uwian na yung mga bata galing sa laro nila. Lumapit yung batang walang nakuhang kuto. “Apong, yung kanina hindi niyo kuto yun. Kinuha niya yun sa buhok niya.”

Imbes na magalit, natawa na lang si Lola at natawa na din yung bata. Hindi na daw nasabi kanina dahil sa ina. Binigyan na lang ni Lola yung bata ng singkas at sinabing huwag na niyang ikainggit yung piso.

😁😊

20130530-052949.jpg

Advertisements