Bakit ganito kasakit
Ang kapalit ng iyong pag- alis?
Maraming taon
Ngunit konting pagkakataon
Sabagay ganun din noong ako’y
Sampung taon
Maraming nakapaligid
Pero nabibilang ang bigkas ng bibig
Nagpalipat-lipat ng lugar
Hanggang wala ng makilala maliban sa isa o dalawa.
Hindi ako nahilig makichika
O mangumusta sa iba
Yan na ako, simula pa
Wala pa noon ang sakit
Noon, isa lamang akong paslit
Isang dakilang manonood
Ng mga tao sa aking paligid
Bakit ganito kasakit
Ang kapalit ng iyong pag- alis?
Wag mo akong tanungin
Bakit wala akong oras sa iyong daing
Wag mo akong sisihin
Kung hindi ako malambing
Ang TV ang aking gabay
Lumaki akong wala namang nanlalambing
Pinalaki akong matatakutin
Ang sabi nga ng iba’y manang na din
Kaya patawad kong hindi ako
Ang ideal mong maging
Pero kung laging mali ko ang ipaparating
At ang daing di iindahin
Saan na tayo papadparin?
Kung parehas tayong ang hiling
Ang isa sa atin ay dinggin
At wala sa atin handang makinig
O Bakit ganito kasakit,
Ang kapalit ng iyong pag- alis?