Archive | Uncategorized RSS feed for this section

Hindi Ako To

20 Jun

Hindi ko pinili ang saktan ka.

Pero iyon ang resulta ng iyong ginawa.

Hindi ko ginusto na umiyak ka, bumagsak ang balikat, magmukhang kawawa.

Pero iyon ka, dahil kinumpronta.

Hindi ko ninais na mahirapan ka.

Pero ikaw din ang may sala.

Hindi ko naisip, na ako pa ang magtutulak sayo palayo.

Dahil ikaw, sinagad mo ako.

Hindi ko pinangarap na maging ganito–Kontrabida sa paningin mo.

Hindi ganito ang pagkatao ko.

Pero nilabas mo to.

Hindi masaya ang makita kang nagdurusa.

Pero sa bawat pagtanggi mo ng mga katotohanang alam ko na,

sa bawat hakbang para mapaniwala ako sa mga kasinungalingan mo

sa bawat “hindi” na ang totoo’y “oo”,

sa bawat “oo” na hindi naman magkakatotoo–

Nasasaktan ako.

Kasi mahal pa din kita kahit kinamumuhian kita.

At nakakalungkot, na alam kong mawawala din ang poot,

pero mabubura na ang tiwala, mapapalitan ng kirot.

Advertisements

Need is an Enemy

11 May

At this moment, I’m seeing NEEDINESS as a bad guy that controls another human being. And CONSCIENCE is his ally. It strips you of FREEDOM and makes you sad. It makes you question, “Why are you for?”.

Because other people NEED you? And if you’re not?

When is being good a hindrance? Or does HELPING someone because they need you something that you should even question?

My CONSCIENCE says, its the way of life. Its a sin turning back on someone.

But what if by giving you’re losing a bit of your core?

But what if, you’re only thinking of this because of the person involved and not HELPING in general? Am I being bias, right now?

Oh, I think its giving when you’re not ready. That’s when it becomes a chaos within.

If it’s not wholehearted, it’s giving wasted.

If it’s not voluntary, you’ll feel USED and not FULFILLED.

See there, when you give away some, you get filled.

But right now, I’m not.

Hmm, where did it go wrong?

Liwanag sa Dilim

14 Jan

Ang mga bituin sa langit, unti-unti akong nilalamon ng kanyang kahiwagaan

Nakamamangha ang kinang na dulot ng kanyang kamatayan

Ang mga bituin na napapalibutan ng kadiliman, ng kanyang hangganan

Sa kanyang katapusan, minulat ka sa mga pangarap na mahirap simulan

Ngunit masarap isipin, pag-laruan, palaguin at pilit na gustong abutin

Hindi madali sa ilalim ng bituin, kung saan ang maliit na dumi ang laging napapansin

Hindi madali kung ang bawat pausbong na liwanag na binuhay ng pangarap, kikitisin ng taong nilamon ng dilim

Hindi madali na makita ang kinang ng pumanaw ng bituin kung nakapiring kang titingin

Hindi madali magpakawala, kalimutan ang mga humahadlang, ng mga boses na pumipigil para makita ang liwanag na meron sa gabing madilim

Mahirap maniwala kung sarado ang paniniwala na sa kawalan, may kinang pa ding masisilip, may pag-asa kahit katiting

Mahirap pero pipiliin pa ding magpasakop sa silaw ng mga bituin.

Life at 20s

13 Jan

Life at 20s is like a clock that stops ticking

It’s hoping you get the time to figure things out before it takes over

It’s dreaming that you stay younger but wiser

It’s believing it’s okay to wander, that you’ve got time to wonder

It’s learning you are not as capable as others

It’s doubting the goals you set to reach your dreams

Its promising the world they’d look for you on a google search (because, why not?)

It’s contradicting yourself because you second-guess

It’s exploring the world and comparing them to the books and lectures you have been told

It’s procrastinating while your mind plan a future

It’s a life you never want to end because it gives you hope

that mistakes may still be forgiven

that excuses might still be accepted

that you are still someone who can afford to fail and still be accepted

where the world is still lenient

And yet, the clock is never still…

It will be recharged and the hands will continue to move

Even then, time knows no bound

20s will be 30s, and so on…

Life goes on.

babaeng gipit

13 Dec

ilang beses akong nasabihan na “galit” ako

ilang beses nilang pinaramdam na ang opinyon ko’y di na kailangang pakinggan

ilang beses nang ang pananamit, estilo ng buhok, maging ang bangs, pati ang hugis ko — hindi sila makontento

na para bang may say sila sa katawan at porma ko,

na para bang maharlika silang dapat sundin,

na para bang sinakop nila ako, alipin at sila ang amo ko

ilan sa kanila, mga taong di ako kilala

ilan sa kanila, akala kilala ako

ilan sa kanila, mga taong mahal ko

alin ba sa mga sinasabi nila ang dapat sundin?

alin ang bibigyang pansin?

alin ang kaya kong indahin?

minsan, sa bigat ng kalooban ay bubuhos ang luha

minsan, sa sakit ng mga salitang nabasa, narinig ay mapapaluhod sa panghihina

minsan, napapakita ko to sa taong kung sinong malapit

madalas, pagkatapos ibuhos ang lungkot

gigisingin ka ng mundo,

kukuyugin ka ng mga responsibilidad mo

papaalalahanin ka na tumatakbo ang mundo,

hindi umiikot sayo,

tumahan ka na sa pag-iyak

punasan ang mukha,

huminga ka,

harapin muli ang ginagawa

kasabay niyan ang pakiramdam na parang hinubaran sa taong napagbuhusan ng emosyon

kasabay nang takot na dulot ng pagpapasilip mo nang iyong pagkatao, ng kahinaan mo:

ang opinyon ng ibang tao

lalo na ng galing sa mga taong mahal mo

pagkatapos ay ang pagsuko.

pagsuko na iparating ang saloobin mo.

pagsuko na ipaliwanag na ang babae kapag natangay ng kanyang emosyon hindi galit kundi gipit

gipit sa oras na kayang ilaan ng mundo upang pakinggan ito

gipit sa pag-unawa dahil natatakot ang ibang mailugar sa tama

gipit sa pera dahil nalalamangan sila

gipit sa respeto dahil “inaangkin” sila

gipit sa kalayaan dahil makapangyarihan sila,

kapag pinalaya mo, bubuka ang pakpak at lilipad, aangat, mas malayo sa narating mo

pero hindi gaya ng mga taong nanglalamang, babalik ang babae sa lupa, magpapakumbaba

bubuhay ng bata, uunahin ang pamilya

Salamin

22 Nov

Inspired by Omar and Osly

Magkamukha, madalas sabihin ng iba.

Bakit hindi nila nakikita ang tunay na katauhan nating dalawa?

Oo pala. Magkamukha hindi lang sa mukha, pati sa damit, sa lahat ng gamit.

Oo nga pala. Pati sa kurso, sinundan kita.

Lumayo tayong dalawa sa mga mapanghusgang mga mata.

Lumipad tayo. Sinubok mangarap ngunit nadala.

Nagising akong gusto na ding lumayo sa yo.

Dahil sa mundong ating narating, nasundan tayo ng mga matang nagdidikta, nanlalamang, mapanghusga!

Kinulong muli tayo sa hawla, na ikaw ay ako at ako ay ikaw!

Ang pagkakaibang kanilang makita — pagkukulang ng isa.

“Tignan mo siya, naiiba.”

“Bakit hindi ka tumulas sa kanya, nangunguna?”

Sa puntong ito, ginusto kong basagin ang salamin at hindi pumares sa iyong mga adhikain.

Ginusto kong kumawala at ganun ka din.

Nagwagi sila, pinaramdam nila na tayo’y magkalaban.

Sa aking pag-iisa, niyakap ko ang kawalan, ang espasyo na dati mong kinalagyan.

Nahanap ko ang sarili kong pagkakakilanlan.

Tama nga pala ako.

Tama ang naiisip ko noon na pilit kong binabaon.

Magkaiba nga tayo, tol.

Masaya ako sa katahimikan, mas kampante kasama ang mga kaibigan.

Pinipili ko ang aking susuyuin, mas gusto mo namang jowain saka kilatisin.

Marami pa, bro.

Pero ito ang sigurado — marami pa tayong madidiskubre sa ating mga sarili.

At ito pa ang tumino sa eksperimentong ito —

namiss kita, Tol!

Hindi ikaw ang kalaban.

Walang kailangang patunayan sa mga taong hindi kailanman matatahimik sa katotohanan.

Mahal kita, Tol!

— Ang Proud Mong Kambal

Someday

20 Nov

It hurts my heart. Knowing I may never make my mother understand why I am who I am.

I am who I am because of their decisions, of my upbringing and of them not witnessing my growing years.

I have been sharing my pain, begging her to understand why I am what I am.

That this is the product of my circumstances when let me be on my own.

I have spoken and written words, was brought to tears, dried my throat, hanged a call, thrown tantrums I am not proud of and I don’t know anymore.

I feel like a restless tiger inside a cage who just wants to be embraced.

But I think I have to stop fighting this.

And live NOW. I know somehow that if I keep at this I could loose myself entirely.

I must let go and not let this define me. I knew of that. But it is so hard to accept defeat when I know they are the core of my being.

When I know that I haven’t felt known to them.

I want to believe I am reaching the end of this desperation of being accepted and understood. My heart is tired. My mind is loosing focus. I must not. I must stop. I must GROW. I have to let go of the child who was left behind. The child whose innocence was snatched because no one was looking.

They say they sacrificed a lot for me.

And all I’m saying is I did too and I hurt.

I pray I won’t have to tell some hard truths Because I don’t think she will handle it well.

I don’t have to hurt, right?

For now, I’ll keep my secret and pretend to be what they want.

I’ll find my way. Someday.

mother

18 Oct

I am writing this with hurt and fresh feelings.

Still, I’ll continue writing it for it matters to me and these thoughts need to materialize.

I have an unbreakable connection with my mother.

I think its love but its toxic.

I believe that each is her own important person.

But words exchanged are engraved, deeply, although not all necessarily.

She brought me to this world, passed me to her own mother, my father’s mother and then my father, and then an aunt and then, well even during those times, to myself.

I have lived at different places without the constant company and nurture of a mother.

Then years later…

I feel breakable when we disagree.

I can’t seem to move on from her toxic handling of “concern” for me.

Her words becomes a curse. It weakens me.

I feel like I have to lessen our interactions for my sanity.

Still, I dream of having her by my side and being “motherly”.

I dream of her warm hugs that seldom happen.

I know she cares. And I know of her “sacrifices” that’s why sometimes I give her tips how to handle me.

The “me” she wasn’t able to witness grow. The “me” who had to learn on her own. The “me” she was constantly blaming for things not to be fault at or maybe she just can’t accept or comprehend.

I try to help her take care of me but sometimes when she follows, it wouldn’t feel satisfactory.

And often times, she wouldn’t listen and insist on her own “maternal” instinct.

She stayed at another country more than she did her own. I can only count on at least less a thousand days on my 28 years of existence the time we were together.

I guess, she knows more about me as she likes to remind me because I came from her.

But mother, we grew apart. I am fully grown and still we’re apart. M

ost of the times you forget I’m not a toddler. But I must admit, there is still a child in me who longs for the “mother” she never had.

Don’t get me wrong, I love you. It’s just that I’m mostly hurt by you.

Sorry if it hurts, or irritates you.

Maybe tomorrow, I’ll be okay. For sure.

 

LDR

12 Feb

Bakit ganito kasakit

Ang kapalit ng iyong pag- alis?

Maraming taon

Ngunit konting pagkakataon

Sabagay ganun din noong ako’y

Sampung taon

Maraming nakapaligid

Pero nabibilang ang bigkas ng bibig

Nagpalipat-lipat ng lugar

Hanggang wala ng makilala maliban sa isa o dalawa.

Hindi ako nahilig makichika

O mangumusta sa iba

Yan na ako, simula pa

Wala pa noon ang sakit

Noon, isa lamang akong paslit

Isang dakilang manonood

Ng mga tao sa aking paligid

Bakit ganito kasakit

Ang kapalit ng iyong pag- alis?

Wag mo akong tanungin

Bakit wala akong oras sa iyong daing

Wag mo akong sisihin

Kung hindi ako malambing

Ang TV ang aking gabay

Lumaki akong wala namang nanlalambing

Pinalaki akong matatakutin

Ang sabi nga ng iba’y manang na din

Kaya patawad kong hindi ako

Ang ideal mong maging

Pero kung laging mali ko ang ipaparating

At ang daing di iindahin

Saan na tayo papadparin?

Kung parehas tayong ang hiling

Ang isa sa atin ay dinggin

At wala sa atin handang makinig

O Bakit ganito kasakit,

Ang kapalit ng iyong pag- alis?

Mahal Mo Ako (Di Ba?)

30 Sep

Mahal mo ako, iyan ang sabi mo.

Mahal mo ako kahit noong hindi pa tayo.

Nakakalungkot lang

Mahal mo nga ako pero wala kang tiwala sa “tayo”.

MAHAL. MO.  AKO. Naririnig mo ba yang sarili mo? 

Uulit-ulitin ko, hanggang maging malinaw sayo:

Ang sabi mo, mahal mo ako.

Pero kinukumpara mo ako sa nakaraan mo.

Binuksan mo nga ang pintuan dyan sa puso,

Pero tinutulak mo naman ako palayo.

Pakinggan mo nga yang sarili mo, isa pa, mahal mo ako.

Pero wala kang balak pagkatiwalaan ako

Wala kang balak kilalanin ako.

Una, magkaiba kami ng mukha

Pangalawa, hindi kami parehas ng ina

Pero kahit na, walang dalawang taong magkapareha

Ikaw, ang sabi mo mahal mo ako

Buti sana kung hindi pa tayo,

Hahayaan kitang pagdudahan ako

Pero sinuyo mo ako at naging tayo

At nang magsimula tayo, doon ka nagbago

“Baka lokohin mo din ako.”, iyan ang sinabi mo

Kaya, pangatlo, baka hindi malinaw, hindi ako ang ex mo

Utang na loob, buksan mo yang mga mata mo

Mahalin mo ang nasa harapan mo

Ilayo mo ako sa babaeng nanloko sayo

Magsisimula pa lang tayo 

Pero pinapatay mo na ang relasyong ito

Wag mong ikumpara ang “tayo” sa multo ng kahapon 

Wag mong hayaan na takot ang manalo

Bigyan mo ako ng pagkakataon na lumaban

Bigyan mo ako ng panahon na ika’y alagaan

Gusto kitang mahalin dahil ikaw,

Nakikita kita: ang mga mata mong nagsusumamong ibigin

Kaya paraanin mo ako, mahal ko

Dahil mahal kita

Bigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka

Wag mo akong itulak palayo

Dahil nagsisimula pa lang tayo

Mahal mo ako, di ba?

Mahal din kita.