Salamin

22 Nov

Inspired by Omar and Osly

Magkamukha, madalas sabihin ng iba.

Bakit hindi nila nakikita ang tunay na katauhan nating dalawa?

Oo pala. Magkamukha hindi lang sa mukha, pati sa damit, sa lahat ng gamit.

Oo nga pala. Pati sa kurso, sinundan kita.

Lumayo tayong dalawa sa mga mapanghusgang mga mata.

Lumipad tayo. Sinubok mangarap ngunit nadala.

Nagising akong gusto na ding lumayo sa yo.

Dahil sa mundong ating narating, nasundan tayo ng mga matang nagdidikta, nanlalamang, mapanghusga!

Kinulong muli tayo sa hawla, na ikaw ay ako at ako ay ikaw!

Ang pagkakaibang kanilang makita — pagkukulang ng isa.

“Tignan mo siya, naiiba.”

“Bakit hindi ka tumulas sa kanya, nangunguna?”

Sa puntong ito, ginusto kong basagin ang salamin at hindi pumares sa iyong mga adhikain.

Ginusto kong kumawala at ganun ka din.

Nagwagi sila, pinaramdam nila na tayo’y magkalaban.

Sa aking pag-iisa, niyakap ko ang kawalan, ang espasyo na dati mong kinalagyan.

Nahanap ko ang sarili kong pagkakakilanlan.

Tama nga pala ako.

Tama ang naiisip ko noon na pilit kong binabaon.

Magkaiba nga tayo, tol.

Masaya ako sa katahimikan, mas kampante kasama ang mga kaibigan.

Pinipili ko ang aking susuyuin, mas gusto mo namang jowain saka kilatisin.

Marami pa, bro.

Pero ito ang sigurado — marami pa tayong madidiskubre sa ating mga sarili.

At ito pa ang tumino sa eksperimentong ito —

namiss kita, Tol!

Hindi ikaw ang kalaban.

Walang kailangang patunayan sa mga taong hindi kailanman matatahimik sa katotohanan.

Mahal kita, Tol!

— Ang Proud Mong Kambal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: