Archive | July, 2015

Hindi Na Muli

8 Jul

Sinabi ko noon,

“Hindi na muli.”

Sinabi ko noon,

na puno ng hapdi.

Sinabi ko noon–

iyon, nang puro hukbi.

Hindi ba muling pipili

ng taong ako’y ikukubli.

Hindi na muling isasantabi

mga pangarap at minimithi.

Hindi na muling magpapaapi

sa taong makasarili.

Kaya sabihin mo sa akin ngayon,

paano ako lilingon–

sa mapait na kahapon na puno ng mga alaalang pilit binabaon?

Kaya sabihin mo sa akin ngayon,

paano mo ako mapapaayon

na balikan natin ang kahapon?