Umagang kay ganda, Sarao!

16 Sep

Alas-sais sa loob ng Jeep.

Matagal na din nung huli akong sumakay ng jeep ng ganito kaaga. Sa paligid ko, makikita ang mga tatay o nanay na naghahatid ng kanilang mga anak pero kakaiba din itong si ate na nakapajama pa na maghahatid ng kapatid sa eskwela.

Meron ding si “Bruskong Gurl”, estudyante na teenager pa lang wagas na kung makamura.

“Hello?! Hellow?! P** i***, bakit hindi ka nagsasalita!?”

May pa-joke pang nalalaman,
“Magkano sa Roces daw sabi niya, ano bibilhin ba niya Roces?!”
And her crew would laugh.

O itong antok pang dalawang binata. Yung isa may baon pang styro (extra kaya sila?) na nahulog ang tinidor at nang pulutin ni ateng katabi, nag-hesitate pang abutin sabay mabilis na tinago.
Maya-maya, tanong niya sa katabi,
“Nagbayad ka na ba?”
“Ha?”
“Nagbayad ka na?”
“Hmm.”

(Nagbayad na nga kaya?)

At pag akala mo’y puno na, hindi pa pala. Ayan si manong drayber, kuntodo sigaw para kumbinsihin ang lahat na may espasyo pa.

“Sakay pa, pwede pa! Makabilaan!! Sakay na!!!”

Papasok ang mag-ama, mag-aalas siyete na, pauunahin ang maliit na anak, pero makikitang siksikan na kaya pupwesto na lang sa may pintuan.
Good boy si bagets, hindi naiyak. Ang liit! Ang cute ng bata! Star for you, kid!

“Para po!”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: