Archive | September, 2014

To Just BE

29 Sep

Gender Equality, i think, is not necessarily having all things alike, or having to prove one’s ability to the other. Its not a competition as to who’s better just to make a point.

Girls as executives? Why not?
Boys as househusbands? Go for it!
Girls as athletes? Of course!
Boys being meticulous about his appearance? That’s great!

Or girls simply being girls.
Or boys simple being boys.

Girls who likes girls and boys who likes boys? They are like everyone too. Liking. Loving. Living.

Its having the choice to do things girlish and/or boyish (whatever). Its a freedom to BE whatever regardless of labels.

We were given the gift of FREE WILL by God. We might as well use it. Let’s not limit ourselves to what our society dictates.

We breathe the same air. We all return to dust when we die. We all have the same mechanics, you know?
And each of us can make a difference if we JUST BE.

LET US BE.

Umagang kay ganda, Sarao!

16 Sep

Alas-sais sa loob ng Jeep.

Matagal na din nung huli akong sumakay ng jeep ng ganito kaaga. Sa paligid ko, makikita ang mga tatay o nanay na naghahatid ng kanilang mga anak pero kakaiba din itong si ate na nakapajama pa na maghahatid ng kapatid sa eskwela.

Meron ding si “Bruskong Gurl”, estudyante na teenager pa lang wagas na kung makamura.

“Hello?! Hellow?! P** i***, bakit hindi ka nagsasalita!?”

May pa-joke pang nalalaman,
“Magkano sa Roces daw sabi niya, ano bibilhin ba niya Roces?!”
And her crew would laugh.

O itong antok pang dalawang binata. Yung isa may baon pang styro (extra kaya sila?) na nahulog ang tinidor at nang pulutin ni ateng katabi, nag-hesitate pang abutin sabay mabilis na tinago.
Maya-maya, tanong niya sa katabi,
“Nagbayad ka na ba?”
“Ha?”
“Nagbayad ka na?”
“Hmm.”

(Nagbayad na nga kaya?)

At pag akala mo’y puno na, hindi pa pala. Ayan si manong drayber, kuntodo sigaw para kumbinsihin ang lahat na may espasyo pa.

“Sakay pa, pwede pa! Makabilaan!! Sakay na!!!”

Papasok ang mag-ama, mag-aalas siyete na, pauunahin ang maliit na anak, pero makikitang siksikan na kaya pupwesto na lang sa may pintuan.
Good boy si bagets, hindi naiyak. Ang liit! Ang cute ng bata! Star for you, kid!

“Para po!”

Sakripisyo ng mga Bayani part1

1 Sep

Argument number 1: ofw parents still thinks of their child as the child they left behind.

Example: iniwan na bata, binalikang teenager na

Still, they treat the child as bata kasi nga naman hindi nila nasaksihan paglaki ng anak.

This is not a blaming game ah, ito lang yung realidad na kailangan din sigurong intindihin na bawat sides ng ofw family para malaman kung paano mag-aadjust ang bawat panig. Kasi kids today are more advanced than kids before. Sobrang kalaban ang generation gap, lalo na at dalawang kultura din ang naglalayo sa pamilya.