Archive | May, 2012

Oh hindi!

21 May

Yung akala mo sulit na ang set meal na 150, Inclusive of your favorite ulam, vegies, soup, at desert– only to find out, mas may lasa pa ang tinola soup mo sa fish fillet na ulam mo. Sana binida na lng ung tinola, kahit limot na yung isda.

Yung nag-tip ka ng 50 pesos sa masahistang gusto mong sample-lan ng tamang pressure ng pagmamasahe. (sakit din sa loob ng singkwenta ah).

Yung nahilo ka sa amoy ng taxi gawa ng mga nakulob na elemento–kung naglakas ng loob sana akong ibaba ung bintana, kiber sa reklamo ni mamang drayber.

Eh yung mabugahan ka pa ng usok ng sigarilyo ng nakasalubong mong kapitbahay, at matapatan ng nagpupumiglas na tambutso ng sasakyan sa kanto niyo?? Haler! Ni hindi nga ako humihithit ng sigarilyo, o lumalapit sa naninigarilyo, anubat bubugahan niyo ako ng usok!? Sakit sa bangs!

Isama mo na din ung rally kay lady gaga, awayan-sigawan-sapakan sa terminal ng mga personalidad, tagal na paglitis kay corona–obviously-dubious-something-is-mysterious na nga drama eh.
Pati ung panghihinayang sa hindi mo nakitang ‘ring of fire’ na eclipse oh.

At ang sabihan ka na “mag-ayos ka nga” ng mga college friends mo na kay gaganda oo. Oo na. Kayo na.
Haler, mailap na kaibigan ko na ang kama, hinahanap-hanap ng sistema kapag nakahirit ng pahinga. Hindi ko kilala ang parlor, ano yun? Chos! Wag mag-alala, kakaririn ko din yan. Meron na akong kagandahan, saka na natin i-enhance. Pero frustrating yang statement na yan ha.

Sarap pagupit ng short short hair! Ganito level ng stress dulot ng araw na to, mamma mia!

Tis too shall pass.

ALL IS WELL!!!
/>

20120521-233834.jpg
Oh ito feel niyo??